Zoobic Safari and Baloy Experience



Last january 2017 

Nagsimula ang trip namin ng 5 ng umaga. nagkita-kita kami at pumunta ng Subic para sa zoobic safari. First time ko makapunta dun dahil high school pa lang ako gusto ko na makapunta dun, hindi kasi nasasama yon sa fieldtrip namin noon.

Mabilis lang ang byahe namin. wala pang 3 hours nakarating na kami sa destination. Nagbreakfast muna kami para hindi magutom sa loob ng Zoo.


Pagpasok namin expected ofcourse ang mga animals in captivity. Madaming animals na hindi karaniwang nakikita sa Pilipinas tulad ng Camels, lions, tigers. It was a walk in the park ika nga nila.



May mga animals shows din pero yung iba hindi na namin naabutan dahil walk-in lang kami di tulad ng iba ng field trip. Malaki yung part, may part na puro crocodiles tapos sasakay ka bago makarating sa lions and tigers.





May museum din sila ng animals na namatay na at nataxiderm na para mapreserve and katawan. May mga bones din, snakes, birds at iba-iba pang klaseng animals.


After a long day at the zoo umalis na kami para pumunta at maglibang naman sa Baloy. nasa labas sya ng Subic zone dun na sya sa may bandang bundok. Zigzag ang road and pagkadating namin maganda naman ang paligid. Naligo ang pinsans at kapatid ko at kami naglibang sa cottage at naglaro ng UNO.


It was a fun day! 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WALANG PAUTANG!!!