Tita Lucy - Lucilia Esguerra


Si tita lucy, malaking parte ng buhay namin. Simula pagkabata ko lagi siya nandun sa mga kaganapan sa pamilya namin, tinuturing na nga siya ni inang na parang anak na din. I remember before madalas kami umuwi ng hagonoy at nahihilig noon ang mother ko sa talpak. Sakla ang tawag ng iba pero talpak sa lugar namin. Sila tita lucy, inang at mother and madalas magkakasama. Sabi nila may pagkakuripot si tita lucy. Minsan kinaiinisan din siya pero matagal na yon. 

Moving forward, siya ang nag-alaga sa kapatid ko na muntik na mamatay nung baby pa lang. siya yung laging nandyan kapag may kailangan si mama o si inang. Isa siya sa masasandalan at mahihingan ng tulong.
Tao din siya sa Barangay at sa tuwing may vaccines at iba pa lagi nya kami sinasabihan para makasali kami. Kasali din siya sa M.E yung samahan ng mga mag-aasawa.

Last year, nun ko lang nalaman na may Cancer siya, breast cancer. Nalungkot ako, bakit ganon. Pero sa isip ko alam ko kaya nya. Pinagdadasal ko na gumaling siya dahil may mga gumagaling sa breast cancer. 
Naalala ko may pinuntahan kami sa Calumpit, dalawang beses ata kami pumunta dun. then one time akala nila pupunta ulit kami pero hindi naman talaga dapat nasa bahay sila tapos inaya ko sila sa Divine Mercy. hindi pa daw sila nakakapunta dun kaya masaya ko na dinala sila dun mismong araw na yon. Kaming anim lang ang pumunta. tapos naisip namin pumunta pa sa ibang simbahan at sa ibang araw naman.



Few weeks after, pumunta naman kami sa San Jose Delmonte. Dun nagdasal kami, pinagdasal namin si tatay ricky at si tita lucy. Naging masaya kami nung araw na yun dahil mas madami kami at nagbonding kaming pamilya.


Napag-planuhan namin na pumunta naman sa Monasterio De Tarlac. Hinding hindi ko makakalimutan yung punta namin dun. Yung misa sapul sa puso talaga. Tungkol sa buhay ng tao, Talagang umiyak ako, umiyak kami. 

Then 10 minutes after non, pumanaw na si tatay ricky. malungkot. pagkauwi namin non hindi ako pumunta kila tatay ricky dahil hindi ko pa kaya.





After a few weeks and months, huling beses ko siya nakita sa Birthday ko. Sila ni inang magkasama, sila nagdala ng handa ko dahil wala naman talaga akong handa ng araw na yon. Masaya ako na talagang pumunta sila at naalala nila ako.



Napagplanuhan pa namin na pupunta kami sa susunod sa kamay ni hesus. Akala ko gumagaling na siya. 

hanggang sa nabalitaan ko na nasa hospital na siya. Madalas kami dumalaw. hanggang sa huling sandali nandun kami. Napakalungkot, 2 days bago siya pumanaw pinapatawa ko pa siya, hindi na sya makapagsalita that time, pero nakikita ko sa mata nya na masaya siya. kinikili ko pa siya to know na okay pa siya.


Hanggang ngayon lagi ko pa din siya naiisip. hindi ko lubos akalain na wala na siya, naiisip ko  na sa tuwing uuwi kami pupunta siya kila inang at makikipagkwentuhan. Close kami yun talaga masasabi ko at hanggang sa ako naman ang mamatay hindi ko siya makakalimutan. 


I miss you tita lucy!
We miss you!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!