Cebu Adventure

I got a lot of catching up to do.


Last March 2017, Nagpunta kami sa Cebu, unang beses ko sumakay ng eroplano at talagang kinakabahan ako. Ilang araw ko din iniisip ang mangyayari sa airplane kaysa sa buong trip. Dumating ang Araw na yun we got on the airport at yun pumasok. Sunod lang kami sa pinsan ko kasi tatlo kaming first time lang sumakay ng airplane.

Medyo nakakainip mag-antay hanggang sa sasakay na kami, ayun napwesto ako sa tabi ng bintana, hindi ko pa kilala katabi ko. Kinakabahan ako kasi mabilis, parang mabilis na Bus na paakyat ang andar.



Isang oras lang makalipas, naglanding na airplane. Hindi na ako kabado nung pababa. Excited na ko kasi nasa Visayas na ako! First time ko umalis ng luzon!



Nasa cebu na kami. Someone pick us up tapos ayun diretsyo kami sa hotel. Maganda naman yung hotel nasa top list sila ng trip advisor.









Nag-city tour kami maghapon, nagpunta sa simbahan, sa magellan's cross, sa isang temple at kumain ng napakasarap na lechon cebu! Bumalik kami sa hotel ng gabi na. Nakakapagod pero maaga pa kami kinabukasan para sa Oslob Whale Shark at Sumilon Islands. Pagkatapos namin dun dumiretsyo kami sa Kawasan Falls.

 Masasabi ko na populated din sa Cebu sa city park pero hindi katulad sa Metro Manila na di mahulugang karayom ang tao. Pero dun sa bandang bundok na halos karamihan talaga ng nandun puro turista, napakadaming foreigners as in. First time ko makakita ng sobrang daming ibang lahi sa pinas.

Natuwa ako ng makita ko yung simbahan sa Cebu, kasi palagi sa TV ko lang yon nakikita, yung festival nila. Dun yung lugar na punong-puno ng tao.
 Yung design ng simbahan maganda din, nakakapagtaka lang dun may guard pa bago ka makapasok sa compound ng church. hindi kasi ganon samin. (haha)

Sa sumilon islands maganda talaga, first time ko din makakita ng ganong kagandang beach! Napakawhite ng sand at ganda ng tubig. Madalas ako dati sa batangas pero ibang-iba dito sa sumilon.




Dun naman sa Oslob whale sharks. Napakalaki ng whale sharks dun! Nag-enjoy ako at nabusog sa tubig (haha) biro lang. Maganda yung lugar naenjoy ko. Pero tingin ko domesticated na sila dahil umaasa na sila araw-araw sa pinapakain sa kanila. it's nice to see them in person pero much better kung malaya silang nakakalibot hindi lang dun.

Isa sa pinaka memorable na lugar for me ay ang Kawasan Falls. Napakaganda ng lugar, napakalinaw ng tubig. Nakakaenjoy mag-langoy langoy.

Hindi ko makakalimutan na tumalon ako sa 40 feet. First time ko din tumalon dun. Nakakatakot pero nandun na sayang naman ang pagpunta kung hindi ko masusubukan.




Someday gusto ko bumalik ulit sa Cebu at puntahan pa ang mga hindi ko pa napupuntahang lugar. 

Kilalang Mga Post