Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2017

Updating About me - Paolo

Imahe
Si nanie, Di ko sya madalas tawagin sa pangalan nayan. Ang gusto ko "John". Ang hirap nyang ilarawan sa totoo lang yung titimbangin mo yung inner and outer side nya.. Sa outer side tayo. Hindi naman katangkaran at hindi kaliitan yung tama lang. Walang pakialam sa kulay ng balat nya ang madalas nyang sabihin sakin "okay lang yan babalik din yan" Ang pinaka cute na parte ng katawan nya na nakita ko e yung mga daliri nya, parang pang girl kasi✌✌ Kita naman na may itsura sya (parang ako😂) we both have a pleasing face😂😂. Inner side of him: Mahirap syang basahin. Kung susubukan para syang blankong papel na walang naka sulat ano man. Mabuti syang tao. Ramdam ko ever since we met. Sya yung tipo ng kaibigan na pag malungkot ka di nya i to tolerate yung pagiging malungkutin mo kahit na minsan lumalabas na parang di ka nya pinapakinggan sa pinag sasabi mo but in the end pag masaya kana ulit may part sya na naitulong nung malungkot ka na hindi mo alam may way sya para ...

Amoy Put*ng Ina

Imahe
HAHAHAHA

Happy at Kawasan Falls

Imahe
I miss kawasan falls, ang ganda talaga sa lugar na 'to, nakakamiss

Siberian Husky in a T-shirt

Imahe
Nakasuot kay Shane yung T-shirt ko, kasya pala sa kanya.

Clay still listening to Tapes.

Imahe
70 years later........

Breaking Bad

Imahe
A few weeks ago natapos ko panuorin ang breaking bad and nagsisisi ako bakit ngayon ko lang pinanuod. This show is one of the best! Walter White and Jesse Pinkman is awesome! May mga malulungkot na scenes tulad nung namatay si Hank. nakakalugkot na sa ganoong paraan siya mamamatay. Nakakakaba din yung sa umpisa tungkol sa Cancer niya, akala ko mamamatay agad siya pero naovercome niya yung cancer, yun nga lang bumalik yung sakit nya. Yung journey nya from chemistry teacher to Heseinberg is epic. Nagng notorious drug lord/king pin na siya. Nakakalungkot lang makita yung mga pagkamatay ng ibang characters.  At the end of the series curious ako ano na nangyari kay Jesse Pinkman. Well bukod sa nagkamovie siya na Need for Speed haha joke but yeah curious ako ano nangyari sa kanya knowing na wala na si heseinberg. After watching Breaking Bad, nakakamiss pauorin buti na lang nagkaron ng Better Call Saul and it's good seeing breaking bad characters alive!...

13 Reasons Why

Imahe
Kakatapos ko lang mapanuod yung series na 'to and to be honest mas maganda sana kung tinapos na lang, I don't know kasi para kasing may kasunod pa. Kung tinapos na sana like nangyari na yung dapat mangyari. But no sure may season 2 dahil dun sa isang lalaki na nagbaril sa sarili. Maganda yung flow ng story at personally may init ako dun sa kay hanna. Sana nagsasabi siya sa iba para hindi siya nagpakamatay hehe but walang thrill yung show kung ganon.  Akala ko talaga si clay yung dahilan but then may mas matindi pa palang ginawa yung iba. For sure may season 2 and I'll just watch it then to know what's next.

Rainbow

Imahe
Ito na ang pinaka clear, bright rainbow na nakita ko sa buong buhay ko.

Bawal mag-hugas ng Paa

Imahe
Nasa South Supermarket yung Sign na 'to. Imagine actually doing that. haha

Tita Lucy - Lucilia Esguerra

Imahe
Si tita lucy, malaking parte ng buhay namin. Simula pagkabata ko lagi siya nandun sa mga kaganapan sa pamilya namin, tinuturing na nga siya ni inang na parang anak na din. I remember before madalas kami umuwi ng hagonoy at nahihilig noon ang mother ko sa talpak. Sakla ang tawag ng iba pero talpak sa lugar namin. Sila tita lucy, inang at mother and madalas magkakasama. Sabi nila may pagkakuripot si tita lucy. Minsan kinaiinisan din siya pero matagal na yon.  Moving forward, siya ang nag-alaga sa kapatid ko na muntik na mamatay nung baby pa lang. siya yung laging nandyan kapag may kailangan si mama o si inang. Isa siya sa masasandalan at mahihingan ng tulong. Tao din siya sa Barangay at sa tuwing may vaccines at iba pa lagi nya kami sinasabihan para makasali kami. Kasali din siya sa M.E yung samahan ng mga mag-aasawa. Last year, nun ko lang nalaman na may Cancer siya, breast cancer. Nalungkot ako, bakit ganon. Pero sa isip ko alam ko kaya nya. Pinagdadasal ko na gumali...

Along Alfonso Gonzalo - TUGS TUGS TUGS

Imahe
Sinong nakakaalala ng commercial ng corneto yung Tugs Tugs Tugs? Siya yon. kamag-anak namin nya.  Recently he died from heart attack. He's a nice person, madaming natutulungan na ibang tao to have a job tulad ng job nya na bouncer/security. REST IN PEACE ALONG!  YOU WILL BE MISSED!

Remembering SMART

Imahe
4 years ago our Aspin dog died. Namatay siya dahil may walang hiyang nanakit sa kanya. Hinding-hindi ko makakalimutan yon. Dahil sa mga construction workers na gumawa ng bahay sa likod namin namatay ang aso namin. May humampas sa kanya. Dinala pa namin siya sa Vet. Kaso wala na talaga, namatay din siya kinalaunan. Painful death. I wish nasa mabuting kalagayan na siya ngayon. Hindi pa ako ganon kahilig sa Dogs noon, pero after his death mas naging aware ako sa danger na pwede mangyari sa mga aso sa kamay ng mga walang hiyang tao. Few months later dumating naman si Momo. Until this day buhay pa siya and turning 5 this year! We will never forget Smart. Part siya ng family. Til we meet again Smart!

Dreamy Unicorn Cafe

Imahe
Dreamy Unicorn Cafe, located ang cafe na ito sa Malolos, Bulacan. malapit sa Robinsons Malolos. Malapit sa Avon Malolos.  The place is small. sa first floor nandun lang yung magandang spot sa Cafe. sa second floor parang a lot of improvement needed parang mag-sleep over lang. The food is also not that great. Nakakaenjoy yung damit na maisusuot. yung unicorn stuff toys. All of that. But this is probably the first and last time na pupunta kami sa Cafe na 'to.

Shane the Siberian Husky

Imahe
Ipinapakilala ko nga pala ang Siberian Husky namin na aso. Ang ganda na nya.  A few months ago nagkaron siya ng sakit na talaga namang umubos din ng pera namin dahil gusto namin nya gumaling. NagkaDemodex siya.  Dun sa unang vet na pinuntahan namin iniinject siya tapos babalik every 3 weeks. Sa unan effective tapos after 2 more shots parang lumala. Nakakaawa itsura nya, may picture ako non pero ipost ko sa susunod.  Naisip ko lumipat ng Vet dahil may nasabi sakin tito ko na magaling na Vet, nagdadalawang isip ako kung pupunta ako pero pumunta pa din ako. Ang sabi sakin meron daw gamot dyan at effective daw sa ibang patients nya. Kaso lang ang mahal 1k plus yung halaga, susugal lang ako kung gagana o hindi. Pero sinugal ko na natitira kong pera and after 2 months eto na ang itsura nya. Maganda at wala na yung sakit nya. ang galing talaga. Bravecto yung pinainom sa kanya at napakaeffective laban sa Demodectiv Mange. Shane is Turning 1 year Old sa...

kndxproduction

Imahe
I am currently back at posting videos at Youtube. Muling bumabalik ang hilig ko sa pagvivideo at pagvideo blog. For some sumunod ito after ko magbalik magpost dito sa blog ko.

7 Years transformation

Imahe
Yup, tumaba ako. I know it. i have this goal na before ako mag 25 pumayat ako at makuha ko yung gusto kong itsura ng katawan ko.

Dog House Cafe

Imahe
Etong cafe na to ang 2nd dog cafe sa bulacan and 2nd of my favorite dog cafe. Maganda dito lalo na yung design ng lugar. Madami din dogs may golden retriever, chow-chow at iba pa. Nakapunta ako nung opening day nila at masasabi ko na maganda talaga at madami pang pwedeng improvements.  Some of the rules sa kanila hindi naman nasusunod. sana mas maging strict sila sa ganong bagay. Pero sobrang cute at nakakatuwa makita ang mga pangarap kong aso. Tulad ng Golden Retriever at Toy Poodle. Dog House Cafe is in Tabang Guiguinto Bulacan. napakadaling puntahan. Kung galing ka ng Metro Manila mag-nlex ka at take Tabang Exit at ayun na makikita mo na agad ang Dog House Cafe. Kung taga bulacan lang din may mga jeepney na dumadaan dun. 

Coldplay Live in Manila!

Imahe
Yup i am one of them na hindi nakabili ng ticket ng coldplay but wait there's more!  Yung girlfriend ko nakabili siya dahil dun sa nagbenta ulit ng ticket but unfortunately i cannot afford the ticket price anymore. So eto ang nangyari sinamahan ko siya papunta dun. Sinamahan ko siya hanggang sa sure ako na makapasok na siya sa venue then kami kasama kapatid ko nandun kami sa seaside sa gilid. Apparently kita yung malaking screen dun sa pwesto namin at nagsimula na yung concert at nagtiis na kami dun. Pakiramdam ko para na din akong nasa loob kahit hindi. Nagkakantahan mga tao, nagsisigawan, may fireworks tapos yung mga alam kong songs ng Coldplay tinugtog nila. Isa yun sa hindi ko makakalimutan kahit hindi ako nakabili ng ticket kasi walang pambili. Para na din na nandun ako kasi napakinggan ko sila kumanta ng live!

Divine Mercy 100ft Giant Statue!

Imahe
May bagong statue sa Divine Mercy marilao at napakalaki nito. Hindi pa siya tapos na tapos pero kitang-kita na napakalaki talaga. Last year we visit this place at wala pa yon.  Last year din kasama pa namin si tita lucy ngunit ngayon wala na siya. Last year din ipinagdadasal namin si Tatay ricky na gumaling sa sakit nya ngunit ngayon wala na din siya. Sa pagbabalik ko sa divine mercy silang dalawa pa din ang pinagdasal ko na sana nasa mabuti na silang kalagayan. wala ng sakit at masaya na.  Tulad ng nakagawian kami ay nagdasal, nag-istayon yun ang tawag ng lola ko. Yun daw ang sacrifice namin kahit sobrang init iikot kami at magdadasal. Lahat kami nagbabasa at nagdadasal bawat istasyon pinapalangin ang sarili, pamilya at iba pang mga bagay. It was a fun day kahit na-stuck kami sa traffic ng 3 hours. Yes Marilao yan expected na haha. Yung picture na to ang isa sa paborito ko. Nakakatawa kasi.