Philippine Arena & Philippine Stadium - Bulakenyo Adventures 2016


Sa ika-apat na pagkakataon pumunta kami ng Philippine Arena. Unang beses ko dito ay noong 2015 New Years Eve, Pangalawa Katy Perry Concert, Pangatlo Eat Bulaga: Tamang Panahon at 2016 New Years Eve.

Yung istraktura na ito ay mapag-mamalaki ng mga taga bulacan at ng mga pilipino sa buong mundo dahil maganda talaga dito pero dinedevelop lalo unti-unti. Sa loob ng stadium maganda kasi meron na talagang mapaglalaruan yung Azkals at pwede sa ibang sports at concert. Sa loob ng Philippine Arena sobrang laki talaga as in Swerte ng makakapuno ng Arena. Nakakahanga ang laki din ng screens sa loob.

Sa tuwing may event may mga mabibilan ng foods tulad ng food trucks tapos sa loob din meron, pero ginto presyohan. Yung parking lot napakalaki at layo sa Arena may shuttle naman na sumusundo sa papunta sa Arena. Ang hindi ko lang gusto eh may bayad pa parking na napakamahal pero hindi naman sementado pero sabi ko nga under-development pa naman baka baguhin pa yun.

Yung security/Ticket stuff naman ay walang-wala compare sa MOA Arena. Hindi sya ganon kaorganize di tulad sa MOA arena. I remember nung concert ni Katy Perry papasok kami sa isang pinto pero mali pala papasukan namin kasi napakalaki at maliligaw ka talaga, aba tinawanan kami tapos di daw dun section namin. Pero unti-unti naman nag-iimprove dahil humihingi na sila tulong from Bocaue, Marilao police, nlex authorities at MMDA. Or maybe depende kung sino may event?

Nung una at pangalawang beses ko dito napansin ko yung mala-edsa na traffic. Well malapit sa Bocaue exit yung place at mahirap mag-exit sa venue. Pero nung pangatlo at pag-apat na punta namin nag-improve na. Hindi na kami natraffic ng sobra dahil nilakihan na yung exit sa lugar. Kudos for that.

Overall maganda yung place World class architecture design, ang laki din yung fountain. sana madami mag-concert dito. Underdevelopment pa so inaasahan ko yung improvements.

How to get there: Via Private Vehicle along NLEX lang sya. Kung galing ka sa North pwede umikot sa Marilao Exit para mapunta sa kabilang kalsada. Kung galing Manila nasa right side lang sya may way papasok. May daan din sa Bocaue Exit pero i don't recommend kasi lagi traffic dun. Pero kung commute yun ang way sa Bocaue Exit.


4 of 5 Stars  




Mga Komento

  1. The multipurpose sports event arena was owned by Filipino evangelical religious movement Church of Christ/Iglesia Ni Cristo in Bustos Bulacan Philippines.πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ˜ŽπŸ€⚾πŸ‰πŸˆπŸŽΎπŸŽ±πŸŽ³⛳πŸŒπŸ€½πŸ€ΈπŸš΄πŸ‹⛹️πŸ€ΉπŸπŸ…πŸ†πŸ˜€πŸ˜ƒπŸ˜„πŸ˜…πŸ˜†πŸ˜ŽπŸ˜ŠπŸ˜πŸ€—πŸ™‚

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!