National Shrine of Divine Mercy - Bulakenyo Adventures 2016



For the last 3 years bumabalik-balik kami sa Divine Mercy ng marilao bulacan. Dinadayo talaga ng mga katoliko at turista yung lugar. According sa napanuod ko sa TV noon 500,000 katao pumupunta dito lalo na kapag mag-hoholy week. 

Malaki yung divine mercy, Malawak din yung parking pero hindi maganda kapag umuulan kasi maputik. Underdevelopment din yung lugar dahil may itatayong 100ft na Rebulto. May food court din dito na medyo mahal pero masarap yung Lugaw, wag kayo bumili palamig walang lasa. 

Yung church maganda yung design sa loob, yung mga pintura at altar makulay. Nakaka-amaze. Tulad ng ibang simbahan ma bilihan ng mga rosary at church stuff.  

Yung Church ay mataas kumpara dun sa parking at ibang part ng divine. Aakyat ka pa para marating yung church pero may stairs din at kaya naman. Meron din makukuhanan ng Tubig sa sinasabi nila na nakakagaling, Kumuha kami at binigay namin sa ibang kamag-anak namin. Kapag holy week napakahaba ng pila sa kuhanan ng tubig. Naexperience ko dati yun pero kapag ordinary day lang eh solo mo.




Meron din parang cave na makikita mo dun yung mga saklay at iba pa na sinasabi gumaling sila sa kanilang paniniwala at pagpunta sa simbahan.

Madaming trivia's at prayers na makikita around divine mercy. Hindi pa ko nakakaattend ng misa dun sa madaming upuan sa labas yung malapit sa kumanan ng tubig. Pero maganda tingnan yung mga bato-bato at design nung upuan.


Sa pinakababa may mga stations kapag mag-dadasal ka. Lalakad ka around Divine Mercy. Madali umikot basta magdala ng payong dahil mainit sa lugar. Iwasan din ang magkalat. Meron din malaking misahan sa baba. Mas madalas doon ginaganap ang misa dahil mas maraming tao ang nakakasimba.
The place is good lalo na kung need ng time para mag-isip-isip at magdasal alone or with someone. Kung mag-visita iglesia, magandang isama yung place na 'to. Be sure na maaga pupunta dito as in maaga lalo pag-holy week. Dahil madalas traffic sa lugar and ingat sa pag-dadrive dahil madami sira yung kalsada due to dinadaanan ng Bus and Trucks yung main road papunta sa Divine Mercy.


How to get there:  Via Private Vehicle - I advise take NLEX tapos exit sa Marilao dahil mas madali at iwas traffic. Mula Marilao exit galing North kakaliwa na lang at diretsyo may makikitang Sign na parking lot. Sundan at mag-park sa loob ng Shrine. 

Kung galing South/Manila follow the road diretsyo mula Rosalie's, madadaanan Munisipyo ng Marilao tapos take Left may makikita din sign dun then Mag-park sa shrine.

Kung galing MacArthur Highway Take Tabing-ilog turn then diretsyo lang at makakarating din dun

Note: Wag dumiretsyo or mag drive sa harap ng simbahan dahil mas traffic pagdumiretsyo lumiko sa kanan at magpark sa Shrine. May nag-ooffer ng ibang parking lot pero nasasainyo na yun.

.


4 of 5 Stars
★★★★☆



Mga Komento

  1. What you're saying is completely true. I know that everybody must say the same thing, but I just think that you put it in a way that everyone can understand. I'm sure you'll reach so many people with what you've got to say.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!