Angat Dam & Ipo Dam - Bulakenyo Adventures 2016


February 7, 2016  - First time ko makita ang Angat Dam at Ipo dam. Napakaganda ng tanawin sa lugar na 'to. Ibang-iba sa bulacan na pagkakaalam ko. Nakakaproud na may ganitong lugar sa loob ng probinsya ng bulacan. Dahil dito na inspired ako iexplore ang magagandang tanawin sa bulacan at sa mga kalapit lalawigan, 

Naalala ko bago kami pumunta dito sabi ng friend ko "Baka sa Picture lang ganyan yan?" Pero nung nakapunta ko mismo dun ang ganda! Mas maganda sa personal. Nakakarelax yung lakas ng hangin. Ang ganda ng kulay ng tubig.  For some reason mas gusto ko yung lugar na to kaysa sa mainstream na Pasyalan sa Baguio City. 

Bukod sa Angat dam makikita mo along the way yung Ipo Dam maganda din pagmasdan. Huminto kami sa kalsada to take pictures at damahin yung fresh air. 

Bago makapasok sa Dam makikita din yung Bitbit bridge at bitbit River na pwede paliguan. May security sa Dam at may entrance fee na 25 pesos per person para makapasok sa Dam. may ibibigay na papel/permit na dapat itabi dahil ipapakita din to sa ibang Security na madadaanan.

Isa to sa dapat puntahan dahil mas magiging proud ka maging bulakenyo.

How To Get There: 

Via Private Vehicle - Mula NLEX North or South. Take Bocaue Exit. Lumiko papunta ng Sta. Maria bulacan. Drive straight and take Sta. maria bypass road dahil traffic sa loob ng bayan ng sta. maria Drive straight lang sa Norzagaray-Sta maria road. Then turn right sa Del monte-Norzagaray road. Drive straight and turn left sa Rotanda and straight lang at makakadating din agad sa Angat Dam.

Use Google Maps for details dahil malaking tulong basta Always take National/Main Roads para safe.

Budget: 300-500 per pax - Safe budget.


5 of 5 Stars 

★★★★★


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!