JM Ice Candy
Napanuod nyo na ba yung Story Regarding sa Nagtinda ng Ice Candy tapos naging successful na?
Hindi ko agad napanuod yun pero bago ko sya napanuod naisip ko bigla na gumawa ng Ice Candy. Tapos after ko ipaskil sa labas na nagtitinda na ako at madami dami ang bumili natuwa ako at nainspire kaya naisip ko na ituloy-tuloy na. Naghanap ako ng ibang way pano gumawa ng Ice Candy. Then bigla ko nakita yung Blog post na nagsasabi tungkol dun sa naging milyonaryo.
Nainspire ako. Kasi naisip ko na kaya ko yun. Nagawa nila bakit hindi ko magagawa? May konting pera ako na naipon mula sa last job ko and yes currently i am unemployed but it doesn't bother me that much kasi mula noon mas nakatatak sa isip ko na magnegosyo. Dahil alam ko na sa negosyo yayaman ako, mababago buhay ng pamilya ko. Hindi sa hindi mababago buhay ng pamilya kapag employed ka pero kapag sa negosyo kasi ikaw na ang boss at the same time employee ka ng sarili mong negosyo. You are building your own Dreams. Unlike kapag employee, yes lalaki sahod mo pero mas nababago buhay ng owner ng Negosyo na yun. Tumatak sa utak ko yung concept na yun simula High School ako.
Ngayon na nasubukan ko na magtrabaho naisip ko na bakit di ko muna itry mag-business may naipon naman ako sa sapat.
Nandun ako sa point of my life na naisip ko Tawagin na JM Ice Candy. Ipinangalan ko sa bunso kong kapatid. At syempre sya ang pinakatumutulong sakin kapag nagbebenta kami sa kalsada. I am not ashamed of selling something na pinagkakakitaan ko lalot wala namang mali.
I am Supplying sa isang tindahan currently and looking forward na habang tumatagal eh makapagbenta at masarapan ang iba sa gagawin naming ice candy.
God bless us!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento