May nagselos

si BEST!

Isang gabi habang nagteteris battle ako nag-online yung taong magiging 2nd first date ng life ko. Una hindi ko pinansin dahil busy ako sa laro baka kasi matalo ako. rank 14 nga lang eh mahirap na bumaba pa.

Bigla sya nagchat POP UP sa chatbox. Nagulat ako sa sinabi nya, May Girlfriend ka na pala, sabi ko wala akong girlfriend single ako. then pininpoint nya ng may galit pa yung nakatag na photos sa facebook ko. hehe kung makayakap daw ako dun sa baba parang ayaw ko na daw bumitaw. Sa isip ko lang, hindi kita girlfriend pero umaasta ka na hehe pero natuwa ako dahil may taong parang umaangkin at protected sa akin.. hehe natuwa ako at inamo ko siya. Sweet style kaso ang hirap maamo. Tinanggal ko na yung tag baka magcause pa lalo ng issue sa mga kakilala ko. Nung tinanggal ko medyo bumait na. Sabi ko wala akong load, sabi nya loloadan nya ako.. natuwa naman ako..hehe niloadan nya ako at siya lang yung taong makikita mong laman ng inbox ko dahil worried sya kapag late ako nauuwi or wala ako sa bahay..hehe ang bait nya kaso lupet magalit..haha ang hirap amuin.

Natuwa ako dahil ngayon lang ulit may nagselos at naging protective para sa akin. I like her, hehe im looking forward sa date namin.  May nasabi nga siya eh kung maging masaya daw ba ako sa date namin, liligawan ko na sya. Well so far hindi ko alam.  It depends.

Kilalang Mga Post