Kailangan bang bawasan ng pamahalaan ang budget ng state colleges at university sa pilipinas?
Kailangan bang bawasan ng pamahalaan ang budget ng state colleges at university sa pilipinas?
-Sa aking opinion ay hindi dapat, dahil kapag ibinaba ang budget sa mga unibersidad ang kalidad ng edukasyon ang kasama nitong bababa sa mga kadalihanan na hindi mabibigyan ng sapat na pondo ang mga unibersidad para sa tamang edukasyon, sa halip ay dapat pa itong taasan.
Dapat mas bigyan ng tamang pondo at pansin ang sektor na pang edukasyon dahil ang edukasyon ang susi sa tagumpay ng bawat estudyante at tagumpay ng isang maunlad at sibilisadong bansa. Sa panahon ngayon ang mga estudyante ng iba’t-ibang unibersidad ay nagpoprotesta dahil mabababa daw na budget para sa mga state colleges at university, marahil may punto ang kanilang mga ipinaglalaban dahil edukasyon na para sa lahat ang pinag-uusapan.
Kung ang dahilan nila sa pagbababa ng budget sa edukasyon ay ang makatipid sa pondo ng bansa, siguro naman ay mali ang kanilang pananaw ukol doon. ang edukasyon ay dapat hindi tinitipid ng basta-basta, dahil nakasalalay dito ang ikabubuti ng mas nakakarami. Maaring ang maging resulta nito kapag sila ay nakatapos ay makakahanap sila ng tamang trabaho at makatulong sila kahit sa pinakamaliit na paraan para sa ikauunlad ng ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento