Ang mga Artista ba ay dapat humawak ng mataas na katungkulan sa pamahalaan?
Ang mga Artista ba ay dapat humawak ng mataas na katungkulan sa pamahalaan?
-Sa aking opinyon ang bawat indibidwal ay may karapatan na manungkulan sa pamahalaan, maging ang mga Artista. Kung may tamang edukasyon, experience sa pamumuno , tamang will sa bayan at sa gobyerno maaring tumakbo ang sino man sa kahit anong mataas na katungkulan sa pamahalaan.
Sa panahon ngayon napakarami nang artista ang nakakapasok sa pulitika, halimbawa na nito ay sina Vilma santos, bong revilla, ang dati nating naging presidente na si Dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at marami pang iba. Ilan lang sila sa mga artista na matagumpay na nakakuha ng mataas na katungkulan sa pamahalaan at may magandang nagawa para sa bayan.
Sa karamihan, maaring mas nakakaintindi din ang mga artista sa kalagayan ng ating bansa lalo na sa mahihihrap. Dahil maging sila man ay nararanasan din ito, mas madali silang nakakahingi ng tulong para sa iba dahil sila ay sikat. hindi lang ang mayayaman at may alam sa pulitika ang maaring humahawak sa matataas na posisyon sa bayan, maging ang mga artista ay kaya din ito at karapatdpat din sila para dito, dahil maaring mas marami silang alam na gawin na paraan para umangat ang bayan.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento