Padre De Familia *sta.maria jeep scene*

While nasa jeep ako at pauwi, may isang lalaki ang sumakay sa jeep.
He Started talking to everyone. Una ang nasa isip ko tulad ito ng mga pang karaniwan na nakikita ko, yung mga taong nag-aabot ng sulat sa mga tao dahil hihingi sila ng tulong..

But this guy, from bocaue bulacan, nagtitinda daw siya ng banana cue something dun at yun ang hanap buhay nya, yun ang bumubuhay sa kanilang pamilya, may pangarap daw siya pati ang mga anak nya but nabago daw ang buhay nya when may aksidente nangyari na almost ikabulag na ng isang mata nya, wala silang panggastos para dito, humihingi sya ng tulong sa mga kakilala nya ngunit hindi iyon sapat, kailangan daw ng ct scan at mga pang examination para malunasan ang nararamdaman nya. Natigil siya sa pagtitinda kaya wala din silang hanapbuhay, dumating daw sa punto na ayaw pumasok ng anak nya dahil sa gusto nya tumulong na lang pero dumating din daw ang time na wala na silang panghulog sa bahay na tinitirahan nila, napalayas daw sila sa bahay halos 1 month na daw ang nakalilipas...

Habang nagkwekwento siya at unti-unti syang naiiyak, sa isip ko kung mamemera lang toh bakit parang from the heart siya kung magsalita at desente naman siya tingnan. Pumasok sa isip ko nun na siguro nga malaki ang problem ng taong toh, naawa ako na gusto ko tulungan kaso hindi ako mayaman para matulungan siya sa financial needs nya..

Tuloy tuloy sya sa kwento na ang hirap daw ng pakiramdam na walang makain ang pamilya nya na wala sya magawa dahil sa karamdaman nya at dumating pa daw ang punto na nagkasakit ang kanyang anak, bumibilis daw ang tibok ng puso na hindi na ito normal.

May isang lalaking nag-abot ng pera, 60 pesos ang ibinigay then ang iba din nag-bibigay na siguro naaawa na din sa lalaki dahil talagang umiiyak na siya, napapatitig ako sa kanya ng may awa na nasasabi ko sa sarili ko na napakaswerte ko pa din kung tutuusin dahil hindi sobrang problema tulad nito ang pinapasan namin, habang naiisip ko yun ay pinag-dadasal ko na lang sa panginoon na gabayan nyo at tulungan ang taong ito dahil mahal na mahal ng taong ito ang kanyang pamilya, kahit na may sakit ay pamilya pa rin ang iniisip., ang asawa at ang anak nya.

Inilalapit na daw niya ng tulong ito sa gobernor na si willy alvarado na sana naman ay matulungan ng gobernador.

Sa kanya, GODBLESS. Sana makaya mo ang problema mo dahil hindi naman ibibigay ni God yan kung hindi mo makakaya. Gusto kita tulungan pero konting pera pang finacial ang maibibigay ko at makakaya ko.

GODBLESS.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!