NAPAKAPUROL ng Batas sa PILIPINAS
Sa 16 years na nabubuhay ako sa pilipinas, dito ako isinilang, dito ako lumaki.
Maraming bagay ang naoobserbahan ko ganito ba talaga sa sarili kong bansa? Laganap ang krimen, kahirapan, kaguluhan...Pero sa kabilang side nito ay mayaman ang bansang ito sa kailkasan sa oportunidad sa pag-unlad at isa pa ang ganda sa pilipinas.
PERO, kung pag-uusapan ang batas sa pilipinas, ewan ko ba. Kasi may mga batas, maraming batas ang kaso lang kulang ang GOBYERNO sa pagpatupad sa mga ito, para san pa at ginawa nilang batas kung hindi din naman nila ipapatupad ng maayos o susundin.
Sa Television, sa balita lagi nilang pinagdedebatihan ang kung ano-anong bagay, kung maipasa masaya pero hindi naman napapatupad ng maayos para bang kailangan pa ng atensyon ng media para o bago sila umaksyon.
Sa mga simpleng batas na lang na alam naman ng marami tungkol lalo na sa batas Trapiko, LALO NA ANG JAYWALKING at ang hindi pagsunod sa TRAFFIC LIGHT. Yun na lang hindi pa nila mapatupad ng maayos, sa Metromanila siguro may mga napaparusahan sa ganyan pero dito sa bulacan, sa malolos wala eh nakakainis kasi ang dami sumusuway at kahit may enforcer ay para bang display lang na hindi ginagawa ang kanilang mga trabaho.
Yung pinipinPoint ko lang ay sana ang batas hindi lang pamparami sa batas na ipinapasa dapat PINAPATUPAD DIN AT SANA YUNG BUDGET NAGAGASTOS SA TAMAAT HINDI NA IBUBULSA
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento