Usapang bagyo (POLITICS)

Usapang bagyo, (RE-BLOG) natutuwa kasi ako at natatawa so nais ko mabasa ng iba


Paano kaya kung ang ilang pinuno ng gobyerno, pulitiko, o kilalang tao sa lipunan ay naging bagyo? Narito ang kasagutan:
Kung bagyo si Pangulong Aquino, his closest friends will be spared.
Kung bagyo si Rico E. Puno, itatanggi n’yang may kinalaman siya sa pananalanta.
Kung bagyo si Executive Sec. Paquito Ochoa, pasuray-suray ‘yan sa kanyang tatahaking daan.
Kung bagyo ang Presidential Communications Group, naku, asahan n’yo… iba’t iba ang direksyon n‘yan!
Kung bagyo ang Presidential Communications Group, ingatan ang bahay n’yo! Tiyak na magli-leak!
Kung bagyo si DILG Sec. Jesse Robredo, hindi buo ang kanyang lakas. Tubig lang ang dala niya dahil ‘yong hangin, ‘yong kasunod na bagyong Rico E. Puno ang may dala.
Kung bagyo si Manila Mayor Alfredo Lim, papagurin niya tayong lahat.
Kung bagyo si Manila Vice Mayor Isko Moreno, bubuntot siya sa bagyong Alfredo Lim. Kahit magsama pa sila sa oblo ng apektadong rehiyon.
Kung bagyo si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang, dalawang beses siyang magtatangkang pumasok sa Pilipinas pero hindi siya papansinin ng PAGASA. Dahil dito magagalit siya nang todo-todo!
Kung bagyo si Sen. Miriam Defensor-Santiago, wasak ang mga puno!
Kung bagyo si GMA, magtatagal ‘yan sa Philippine area of responsibility. Wala siyang pakialam kahit ambon na lang siya. Basta narito siya, puwede na ‘yon!
Kung bagyo si Joseph Estrada, ‘di siya gano’n kalakas. Pero ingat pa rin kayo, maraming kakabit na sama ng panahon ‘yan.
Kung bagyo si Vice President Jejomar Binay, magdidilim ang paligid. ‘Tapos hinding-hindi siya aalis sa kinaroroonan niya. Hihintayin muna niyang lumaki at madevelop into a new storm ang isang low pressure area, saka siya lilisan sa puwesto.
Kung bagyo si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma, kahit ilang beses pa i-announce ng PAGASA na parating na siya, hindi pa rin siya sisipot.
Kung bagyo si Sen. Panfilo Lacson, mahihirapan ang radar ng PAGASA na madetect siya.
Kung bagyo si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, hindi mamamalayan ng PAGASA ang dala niyang bagsik. Pero pagpasok niya sa Hong Kong, kaagad na made-detect ang kanyang lakas.

Kung bagyo ang CBCP, lalamig nang sobra ang panahon, mawawalan ng kuryente, at maagang matutulog sina mister at misis. Loving-loving while raining.
Kung bagyo si Archbishop Emeritus Oscar Cruz, maraming madadamay sa kanyang hagupit.
Kung bagyo si CPP-NPA Founding Chair Jose Maria Sison, kahit malayo na siya sa bansa, may manaka-naka pa ring pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng kanyang naiwang mga ulap.
Kung bagyo si Carlos Celdran, magugulat na lang tayo. Biglang and’yan na pala siya at nagwawala.
Kung bagyo si Erwin Tulfo, mapapamura ka!
Kung bagyo si Michael Rogas ng RMN, I’m sure: live na live… nationwide!
Kung bagyo si Vicki Belo, mag-ingat kayo sa magliliparang plastic.
Kung bagyo si Manny Pacquiao, imu-monitor siya 24/7 ni Dyan Castillejo!
Kung bagyo si Kris Aquino, kawawa tayo. Wala siyang hinto!
Kung bagyo ang actor-politician na si Patrick De La Rosa, tiyak na pag-alis niya, feeling mo, ginahasa ka!
Kung bagyo si Bb. Maria Ressa, maraming dumi sa paligid ang maaanod at wala siyang pakialam kahit marami pang magalit sa kanya. After six hours though, she’ll quit and leave.
Kung bagyo si Bb. Jessica Soho, [Ayoko nang dugtungan. Baka mainis na naman siya sa akin. Favorite ko pa naman siya.]
Pero dahil fair ako at walang pinapanigan ang blog na ito…
Kung bagyo si Jessica Soho… Signal No. 4!
Kung bagyo ang GMA-7, walang kikilingan, walang puprotektahan, lahat tatamaan!
Kung bagyo ang ABS-CBN, magsasabog ito ng ulan o yelo saan man sa mundo!
Kung bagyo ang TV5, malakas lang siya kapag Sabado.
Kung bagyo si Madam Auring, good luck sa PAGASA! Tiyak na mali-mali ang forecast nila.
And finally, kung bagyo si Senator Lito Lapid… wala lang. And’yan lang siya pero hindi natin siya mararamdaman.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!