Usapang bagyo, (RE-BLOG) natutuwa kasi ako at natatawa so nais ko mabasa ng iba Paano kaya kung ang ilang pinuno ng gobyerno, pulitiko, o kilalang tao sa lipunan ay naging bagyo? Narito ang kasagutan: Kung bagyo si Pangulong Aquino, his closest friends will be spared. Kung bagyo si Rico E. Puno, itatanggi n’yang may kinalaman siya sa pananalanta. Kung bagyo si Executive Sec. Paquito Ochoa, pasuray-suray ‘yan sa kanyang tatahaking daan. Kung bagyo ang Presidential Communications Group, naku, asahan n’yo… iba’t iba ang direksyon n‘yan! Kung bagyo ang Presidential Communications Group, ingatan ang bahay n’yo! Tiyak na magli-leak! Kung bagyo si DILG Sec. Jesse Robredo, hindi buo ang kanyang lakas. Tubig lang ang dala niya dahil ‘yong hangin, ‘yong kasunod na bagyong Rico E. Puno ang may dala. Kung bagyo si Manila Mayor Alfredo Lim, papagurin niya tayong lahat. Kung bagyo si Manila Vice Mayor Isko Moreno, bubuntot siya sa bagyong Alfredo Lim. Kahit m...