Adios Sayonara na Talaga MQSM

Photobucket

Well, i know it was too late na ngayon lang ako mag-paalam sa kadahilanang hindi pa ako handang mag-move on sa mga bagay at pangyayari na naganap sa aking buhay, at sa aming ORIGINAL COURAGE, HUMILITY, HOPE at PATIENCE.


Isang buwan na mahigit ang lumipas simula ng ako ay tumungtong sa COLLEGE. Pero sa bawat araw na ako'y pumasok sa eskwelahan ay hindi maalis sa isipan ko at makumpara ang mga pangyayari noon at sa ngayon.


Masasabi kong masaya ngayon ngunit mas masaya noon. Masaya ngayon dahil panibagong pakikisama at pagsubok ang haharapin ko hindi bilang high school, kundi bilang kolehiyo.


Mas Masaya naman noon sa kadahilanan na kasama mo ang apat na taon mong kasama sa high school na ang iba pa nga ay grade 2 ko pa nakikita ang mga pagmumukha nila.


Maraming iniwang bakas na maganda, masaya at nakakatuwa ang mary the queen sa akin, meron di namang bagay na hindi ko makakalimutan na hindi maaring mabanggit sa blog na tulad nito.


Ang mga guro namin sa buong high school life ko at namin in behalf of my former classmate ang hindi talaga makakalimutan tulad na lang sa tuwing makikita ang ibang classmate at mapagkwekwentuhan ang dati namin guro.

Masaya na malungkot dahil kung ako ang papipiliin ay gusto ko pa silang makasama dahil nasanay na din ako sa ugali at pagmumukha nila.


Tulad nga ng isang RELATIONSHIP sa taong mahal mo na nagkaroon ng hiwalayan, ako ay broken hearted pa at kailangan pang mag-move on sa mga nangyari sa amin at harapin ang tunay na buhay na dapat sa akin ay magdadala ng maganda at di malilimutang tagumpay.


ako si JOHN RHANNIE GUEVARRA ESGUERRA,
ISANG TUNAY NA MARY THE QUEEN MARIAN

Photobucket

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!