Philippine 2010 Elections, and my presidential bet

Ok mainit na talagang usapin ang 2010 elections because nagsimula na talaga ang panahon ng kampanya. Posters, strimers, billboards at kung ano-ano pa na nagkalakat sa lansangan ng Pilipinas. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas na isang 15 taong gulang meron din akong pananaw at sinosuportahan.

May 2010, another history will be written dahil a new president ang mauupo at manunungkulan sa Pilipinas, Pero maraming mag babago dahil hindi tulad ng nakagawian ng iba na mano-mano ang botohan ngayon Automated Machines ang magbibilang para mapabilis ang proseso na dati buwan ang inaabot ngayon wala pang 1 week maipapakita agad nila kung sino ang talagang nanalo. Pero bago maaprubahan ang paggamit ng machines na ito marami ang aberya na nangyari dahil nagloloko ang ibang machines kaya inayos pa ito.

Sa tuwing halalan normal na ang siraan sa bawat kampo pero kung isa kang mapanuring botante hindi ka padadala sa kung ano-anong balita at sabi-sabi lang dapat meron kang sariling desisyon na kaya mong panindigan. Tuwing halalan nagkalat sa telebisyon ang commercial na nagpopromote ng mga kandidato Info-mercial kung tawagin ang mga ganito pero ang maraming pera lang ang nakakagawa nito dahil sa kada exposure 300,000 mahigit agad ang magagastos. Sa tuwing halalan pangako dito pangako doon ang nangyayari ginagawa nila ang ganito bilang taktika para makakuha ng botante at sila ay suportahan, mahirap paniwalaan agad ang ganon dahil karamihan ng binititawan nilang salita ay palagi lang napapako.

Sa mundo ng Pulitika sa mga teenager mas nagiging mapanuri na rin sila pero merong mga isip bata pa din at nagpapadala lang sa agos ng mga pangyayari.

Bilang isang teenager meron akong bets for 2010 elections at kung ako ay maari ng bumoto ang iboboto ko ay sina...

FOR PRESIDENT: MANUEL "MANNY" VILLAR
V.PRESIDENT: BINAY

Si villar sa tingin ko dahil siya ay talagang may hangarin sa pilipinas na ito ay paunlarin. Gagastos ba si villar ng napakadaming pera kung importante sa kanya ang pera? Negosyante si villar kaya niya ito mabawi sa tamang paraan din. Si villar dahil matalinong tao si villar at lumaki din bilang mahirap, alam niya ang damdamin ng bawat mahihirap na tao sa pilipinas. Si villar dahil hindi siya resulta ng isang POLITICAL DYNASTY! hindi tulad ni NOYNOY AQUINO na parang nagpapadala sa mga sinasabi ng tao sa paligid niya na para bang nauto siya ng marami. Alam niyo kung bakit? kasi sa pagkakaalam ko hindi naman talaga tatakbo bilang presidente si AQUINO. Napilit lang siya dahil na din sa pagkamatay ng ina niya na dating presidente ng pilipinas at dahil din sa mga sulsol na nasa paligid at siguro dahil din sa EXPOSURE na nakuha niya habang nakaburol si Cory aquino. Kung aking titingnan at sa alam ko si Kris Aquino ang unang pinipilit bilang maging presidente ng bansa pero hindi ito pumayag kaya ang mga sul-sul si noynoy ang pinilit na patakbuhin at napilit naman at si noynoy naman nagdrama pa bago makapagdecide sa mga pangyayari.

Si villar sa tingin ko ang mas karapat dapat maging presidente ng pilipinas na susunod kay GMA. Pero sino ako para sabihin ang dapat maging presidente, nasa taong bayan ang huling desisyon at nasa boto nila ang kapalaran ng bansa. Kung ako ay makakaboto iboboto ko kung sino ba talaga ang karapat dapat sa pwesto sa malacanang, at sa iba pang pwesto tulad ng congressman, mayor, v.mayor, governor at senator.....

Lahat ng ito ay vision ay opinion ko lamang kaya you don't have the rights to question me because may sarili akong opinyon at pinaniniwalaan..

VOTE WISELY!
Photobucket

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!