Hindi Sinasadyang Pagkakataon Part 2 (STORY)

Parang may nararamdaman na silang kakaiba sa isa't isa at dumating ang hindi nila inaasahan na parang unti-unting nahuhulog sila sa isa't-isa pero wala silang sinasabi sa isa't-isa kung ano ang nararamdaman nila. Isang araw pumunta ulit si ivy sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ni rhannie para lang makita ito, Pero nakita niya na kinakausap ni mara si rhannie na paSweet at si rhannie naman ay parang wala lang na ginagawa pa din ang trabaho niya. Habang si ivy naman ay nagseselos ng hindi niya malaman dahil sa nakita. Sa pangyayari na yun hindi na lumapit si ivy kay rhannie at bigla na lang umalis,Pero sa pag-alis ni ivy sa fastfood ay nakita siya ni rhannie. Gusto sana ni rhannie habulin si ivy kaso nakabantay ang supervisor niya

~kinabukasan~

Pumunta si rhannie sa bahay ni ivy para kumustahin at kausapin, pagdating sa bahay pinapasok naman ni ivy at inalok ng maiinom pagkatapos ay nagtanong kung bakit pumunta si rhannie at kasama ko pa daw si abello.
Ang sagot lang ni rhannie sa mga tanong ni ivy ay" gusto lang kita mkita at ng pinsan ko na si abello yung makulit na bata na nakakausap mu sa cellphone at kaya rin kmi nandito gusto ko lang sana ipaalam na....

"na anu" tanong ni ivy

"ipaalam na"....

"kung pwede daw bang manligaw" biglang salita ng pinsan ni rhannie..

Napangiti si ivy at sa pangalawang pagkakataon nakita ni rhannie na nagBlush si ivy, sa loob-loob ni ivy eh tuwang-tuwa na pero merong tanong na pumapasok sa isip niya at ang tanong na iyon ay

"ako ba gusto niya talaga o yung mara na yon?"


Nang nag blush si ivy napansin iyon ni abello at pabulong na nagsalita.

Bago umalis sina rhannie at abello
"uy kuya nakita mo ba ung pagbablush ni ate ivy?" sambit ni abello..

"oo nakita ko kaso pagkatapos ko makita na ganun siya ay parang nag-aalinlangan ung itsura niya bigla, bakit kaya ganun?"

napaisip ang magpinsan..

Pagkaraan nung araw na yon halos araw-araw na kung dumalaw si rhannie kay ivy at isang araw biglang napatanong si ivy sa kanya na gusto mo ba talaga ako? diba gusto mo din yung supervisor nyo na sa mara? bakit ako ang niligawan mo?...

sagot naman ni rhannie "ou dati gusto ko siya pero iba ang tinitibok ng puso ko at matagal kong pinag-isipan ang lahat at isa lang ang lumilitaw na sagot at ikaw yun eh."

At ang reaksyon ni ivy ay kinilig at kinatuwa ni ivy ang narinig niya mula kay rhannie

"totoo ba yan o nang bobola ka lang?"
tanung ni ivy kay rhannie na nakangiti at halos nakakainlove na ang itsura nang pinagmamasdan ni ivy si rhannie ng biglang sagot ni rhannie kay ivy na......

Oo naman totoo yung nadinig mo mula sa akin. walang halong biro o kalokohan kasi galing sa puso ko eh hehe,

Nang naglalakad na si rhannie papauwi biglang may sinigaw ni ivy kay rhannie at biglang pasok naman si ivy sa bahay nila at ang sinigaw ni ivy ay......

mahal na talaga kita!!"
isang malakas na sigaw, Nang biglang napatingin si rhannie sa likoran niya na nkita niya si ivy nagmamadaling pumasok ng kanilang bahy.Habang si rhannie ay nangiti at natuwa habang naglalakad na halos bumangga na sa kasalubong nito sa daan.
nobyembre 25th ng magtanong bigla si rhannie kay ivy kung ano yung sinabi niya last na pumunta siya at tinanong kung totoo ba yun at kung ano na ba talaga sila at sasagutin mo na ba ako?

at ang sabi ni ivy ay.............. (TO BE CONTINUE)

Photobucket

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

V for Vendetta

WWE NEWS: Hall of Fame 2013

WALANG PAUTANG!!!