Divine Mercy 100ft Giant Statue!


May bagong statue sa Divine Mercy marilao at napakalaki nito. Hindi pa siya tapos na tapos pero kitang-kita na napakalaki talaga. Last year we visit this place at wala pa yon. 

Last year din kasama pa namin si tita lucy ngunit ngayon wala na siya. Last year din ipinagdadasal namin si Tatay ricky na gumaling sa sakit nya ngunit ngayon wala na din siya.





Sa pagbabalik ko sa divine mercy silang dalawa pa din ang pinagdasal ko na sana nasa mabuti na silang kalagayan. wala ng sakit at masaya na. 


Tulad ng nakagawian kami ay nagdasal, nag-istayon yun ang tawag ng lola ko.
Yun daw ang sacrifice namin kahit sobrang init iikot kami at magdadasal.



Lahat kami nagbabasa at nagdadasal bawat istasyon pinapalangin ang sarili, pamilya at iba pang mga bagay.


It was a fun day kahit na-stuck kami sa traffic ng 3 hours. Yes Marilao yan expected na haha.
Yung picture na to ang isa sa paborito ko. Nakakatawa kasi. 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito