Coldplay Live in Manila!


Yup i am one of them na hindi nakabili ng ticket ng coldplay but wait there's more! 
Yung girlfriend ko nakabili siya dahil dun sa nagbenta ulit ng ticket but unfortunately i cannot afford the ticket price anymore.


So eto ang nangyari sinamahan ko siya papunta dun. Sinamahan ko siya hanggang sa sure ako na makapasok na siya sa venue then kami kasama kapatid ko nandun kami sa seaside sa gilid. Apparently kita yung malaking screen dun sa pwesto namin at nagsimula na yung concert at nagtiis na kami dun. Pakiramdam ko para na din akong nasa loob kahit hindi.

Nagkakantahan mga tao, nagsisigawan, may fireworks tapos yung mga alam kong songs ng Coldplay tinugtog nila. Isa yun sa hindi ko makakalimutan kahit hindi ako nakabili ng ticket kasi walang pambili. Para na din na nandun ako kasi napakinggan ko sila kumanta ng live!




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito