FUTURAMA


I got two words for this cartoon

THE BEST

Napanuod ko na yung the simpsons mula umpisa hanggang latest episode, habang tumatagal medyo nawawala na yung touch nila unlike old seasons. Pero itong futurama? Mula umpisa hanggang huling episode this season 7. THE BEST talaga eh. Nakakaadik sya, nakakalibang. Nakakalungkot lang dahil nacancel nanaman sila. Bakit hinahayaan nila macancel yung ganitong klaseng show?

Kung ako magkakaron ng tv network. Ilalagay ko to sa primetime! Kahit medyo may temang adult eh yung episodes nya napakaganda. Maliban na lang dun sa Jurassic Bark episode na ginaya nila sa true story about dog eh nakakalungkot lang. kapag naiisip ko yun eh iniimagine ko na itinuloy nila yun at naging masaya yung aso ni fry.


Nung una ko napanuod to, naisip ko wala to sa the simpsons.. pero after some seasons. ABA! Ang galing! Napakaganda nya! Ang daming reference about sa other shows like the simpsons, chicken little, adventure time at marami pa.


Sana ituloy nila ito tulad ng ginawa nila sa the simpsons. Magiging big success to lalo kung maraming audience ang makakapanuod dahil maganda talaga eh. 


One of my favorite character eh si Bender B. Rodriguez.
Nakakatawa talaga syang robot!  Favorite moment ko yung scene nya with fin and jake ng adventure time.


Yung last episode nila, maganda din. Enough na to end the series pero Gusto ko pa. Sana sundan pa nila. Sana sana talaga!











Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito