Flores De Mayo 2012



 Last Friday naging escort ako sa flores de mayo sa babaeng hindi ko ganon kakilala..
Kimbely Ballesteros ang name nya. Nung Unang beses na sinabi sakin na kung pwede daw ba ako makuha na maging escort eh parang alanganin ako kasi hindi ko kilala yung girl at mahiyain pa naman ako.

Pero Oo na lang ako basta ba gagastusan ako ng parents ko sa suot ko. Nung naghahanap na kami ng damit barong ang unang nakita namin, okay naman daw yun pero para sakin eh pangit yun.. kaya tinanggihan ko.. hanap ulit kami... may nakita kami na gray na damit, maganda at nagustuhan ko pero nakareserved na pala the same day pa ng nung samin so umuwi na lang kami, the other day sila na lang yung naghanap sabi ko bahala na sila.. So pag-uwi nila nakita ko Violet at same style dun sa suot ko last year. Wala na ako magagawa ayun na eh hehe..
 On that day, naiilang ako at nahihiya ako sa kanya, mother at yung cousin ko lang yung nandun so nahihiya talaga ako..haha!
 So nagstart na, kaso aakyat pa pala kami dun sa stage. WHAT?! ang daming taong nakatingin syempre.. ngiti lang ako. ang dami kasing camera eh at ako lang din ang naiiba. ako lang ang nakaviolet. lahat sila naka-americana, js prom ata eh haha..mas angat tuloy ang uniqueness ng damit ko.


Habang naglalakad kami same as last year nakakaramdam ako ng pagod! sakit ng paa at likod.. di ako makapagsalita or reklamo, nakakahiya naman dun sa maganda kong partner.
Habang naglalakad din kami may mga ilang beses na kanchawan (what a word) ang nadidinig ko from the others, sa cousin, kakilala at hindi kilala.



Nung patapos na at nasa Bisita na kami ng mercado, feeling ko may tingin ng tingin samin na lalaki sa stage, boyfriend siguro yun nung partner ko. im wondering tuloy bakit hindi sya yung kinuha? hmm?



So anyways, enjoy naman ako kasi maghapon at inaabot ng gabi ko kasama ang isang cute na babae by my side and its an honor for me na naging escort ako ulit.
first time na makuha ako ng hindi ko ganon kakilala im wondering ulit next year, may kukuha ulit kaya sakin?
Well we will see what will happen.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito