Driver's License

2 days bago mag-expire ang license ko. February 6, 2012 nagmamadali akong pumunta kasama ang father ko para magrenew ng license sa land transportation office. tinanghali kami, tulad ng dati ang daming tao! hindi na nabago ang sitwasyon dun. kainis. 

Kumuha ako ng drug test, yung test din sa mata at nagpasa ng form sa napakahabang linya. Nakakainis sobrang tagal ang haba ng linya. Tiyagaan na lang. Naiinis talaga ako sa system nila. laging down! sana di na lang sila gumamit ng computer kung laging ganon.

Well ayun after mapicturan tapos na ako sa unang pila dun naman sa pangalawa sobrang haba din...grrrr.. kumain muna ako para mabawasan ang init ng ulo ko


After ko kumain at dun sa second line diretsyo na ako dun sa examination room, hehe natawa pa ako dun sa kasabay ko..haha comedy, napagalitan pa nung taga LTO. buti na lang mabait ako haha joke.
Ayun na, nag-exam ako. Napakadali naman pala ng mga tanong. madali ko natapos then diretsyo naman sa oral exam, madali lang din so yung releasing na lang ang hihintayin ko.




Kinabukasan ko pa daw makukuha so bumalik ako kinabukasan, at damn first time ko magkaron ng license na nakacard.. Non-Professional License ang sakin for 2 years
Habang pauwi nakita ko yung sa k-12 na yun napatupad na pala, hehe saklap nun sa iba pero masasabi ko din namang swerte

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito