Scrapbook. Promise

kapag masaya ka, malungkot or nababagot minsan gusto mo mapreserved ang mga bagay na naging maganda sayo or kahit hindi kagandahan.

Yung iba may diary, clearbook, notebook at ang iba naman scrapbook.

May scrapbook ako na nakatabi, gabi-gabi tinitingnan ko ang mga litrato, binabasa ang mga sulat. Nagsisilbing paalala sa akin na yung taong nakalagay dito kasama ko ay minsan naging special sa buhay ko o mismong naging buhay ko.

At actually patuloy na nagiging special sa buhay ko. Dahil may isang pangako na pa noon hindi ko binaliwala or aking sinuway, pangako na kung saan kahit anong mangyari may feelings na nakalaan para sa kanya dahil masasabi ko siya ang naging true love ko, one and only love. Kahit gusto ko kalimutan para hindi masaktan, siya pa din talaga ang nilalaman ng puso at isip ko.

Maiba ako, share ko lang, badtrip ako dahil feeling ko nagseselos ako at nasasaktan din, rumors kasi ng classmates ko at teacher na may iba na daw siya, may kalove team something. Aww shaket! lalo nahati ang puso ko sa maraming parts. Well, siguro hindi maiiwasan yun, madami naman talaga may gusto sa kanya kahit noon pa na kami at proud ako dun, pero ngayon it was like pushing me on to give up. pushing me not to love her. Uhmm yun lang na share ko lang naman, Sana may signs na mabigay sa akin na ako pa din, na sana kami na lang, ako na lang ulit -HAHA one more chance

Back sa scrapbook, yung scrapbook na yun halos gusto ko na itapon noong nakita ko siya, pero nung binuklat ko at tiningnan ang lahat nawalan ako ng lakas ng loob para gawin yun. Ayoko siya itapon o itabi gusto ko inches away lang sya kapag natutulog ako.

My August 2, 2011
Ngayong araw, wala badtrip kasi konting bacon lang nakain ko sa breakfast at rush ako dahil may exam sa prelim sa first subject namin. Then afterwards next subject, bored ako dahil lumilipad nanaman ang isip ko kaya wala nanaman ako naintindihan hay,

naging usapan namin ang acquitance ng ama at yun dadalin ko ang van at kasabay ko yung longos classmate ko at demanding nga yung isa gusto magpasundo.. hehe well hindi ako excited dahil baka mabadtrip lang ako at maEMO sa mga makikita ko, but im looking forward to see her, kasi kokonti lang maganda sa ama.. hehe totohanan lang.

Uhmm yun after ng usapan kumain kami sa sizzling, kumain ako ng madami dahil nabadtrip ako. Nakita ko ata siya na may kasama na iba idk who but alam ko siya yun. Malabo kasi mata ko.. haha XD

Sa uwian ayun umuwi ako then natulog then nagising then nuod ng wil time big time at kumain ng nilaga at mac and cheese then i am here again blogging.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito