Kabastusan sa SIMBAHANG KATOLIKO, BAHAY NG DIYOS


Mula sa hometown kung saan ako lumaki, sa hagonoy bulacan, masayang pamayanan pero madami ang mahirap.
Sa tuwing umuuwi ako mula malolos papunta hagonoy nakikita ko sa mga kababata/pinsan ang mga ngiti kapag nagkakasiyahan kami pero isang gabi may napansin ako may mga nagsusugal sa harap mismo ng simbahan at syempre ang sugal ay hindi gusto ng diyos at mismo sa harap pa ng simbahan na talaga namang nakakabastos na...

At isa pa ay ang mga nagPUPOOL sa harap mismo ng simbahan na ang mga mismong pasimuno pa ay ang matatanda na talaga din namang nakakagigil dahil ano ba naman yun? kung sino pa ang nasa tamang edad para malaman ang tama at mali ay sila pa ang gumagawa ng kawalang hiyaan sa mismong tapat ng tahanan ng diyos


 

Hindi ko malaman kung bakit kailangan gawin pa ang mga bagay na alam naman ng marami ay mali, kung idadahilan nila ay libangan well gawin nyo yan wag sa tapat, sa harap mismo ng simbahan dahil nakakabastos kayo at ang mga gumagawa nyan siguro ay isa lang ang patutunguhan kung hindi magbabago o babaguhin, sa impyerno.


Hay nako mga tao nga naman, MAY THE LORD BE WITH YOU, WITH YOU and WITH YOU!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito