Battle of the Bestfriends

THE STORY IS FICTIONAL! Pero yung name eh galing sa mga classmate ko dati... haha!




Battle Of The Bestfriends.

Isang magandang araw sa bumabasa, ako nga pala ang writer ng binabasa nyo. Ako si Nani. Isang 19 years old na college student, well ang story na ikwekwento ay tungkol dalawang bestfriend ko, si LEAN at MARK.

Pareho ko sila bestfriend since college well ibang story kung paano ko naging kaibigan ang mga yun.


Well, paano ko ba sisimulan? Uhmm ganito kasi yun…………………

Isang araw… 3rd year college na kami, first day. Pare-pareho kami ng course at room. Galing diba? Hehe… Habang nagkwekwento ang professor sa harap ay bigla may pumasok na isang magandang binibini na nagngangalang ALELIE. Late siya ng araw na iyon at bago naming siyang classmate… Halos napatulala kaming tatlo……

“wowowee! Ang ganda!” ang sabi ni lean

“Oo nga hehehe” sagot naman ni mark

Ako naman ay natahimik lang at humahanga sa kagandahan ng babaeng late na pumasok.

“Goodmornig sir, goodmorning din sa lahat” –wika ni alelie

“bago ka lang ba?” – sabi ng professor naming

Halos napagsabihan na siya ng professor pero agad itong pinagtatanggol ni lean… Nangingiti-ngiti na lang si lean noong ginawa niya yun at si mark naman ay tulala lang kay alelie…
Simula ng araw na iyon at lumipas ang ilang lingo ay naging kaibigan naman naming si alelie pero hindi totally close dahil may gusto silang dalawa kay alelie at gayun din ako kaso paghanga dahil sa aking ganda niya.


Sa tuwing wala si alelie ay siya ang lagging pinag-uusapan naming na halos ikinasasawa ko na din na pag-usapan….

Isang araw nasa bahay lang ako, nag-open ako ng facebook at nakachat ko si lean.

May sinabi siya sa akin na mahal na daw niya si Alelie at nais niya itong ligawan, halos matawa na lang ako sa mga sinasabi niya dahil sobrang corny nya….

Habang si Mark naman ay sa cellphone ko nagtetext at kalokohan at puro corny love jokes ang mga binabanat.


“Hay bakit ganon ang mga kaibigan ko parang ewan na di ko maintindihan” wika ko.

Kinabukasan. Nasa Papasok na ako sa school then suddenly nakasalubong ko ang babaeng kinagigiliwan ng dalawa kong kaibigan, si alelie. Papasok na din siya, napatingin siya sa akin pero ngiti lang ang naiganti ko at parang natameme pa ako.

“oh nani! Tara sabay na tayo pumasok” sabi ni alelie

Syempre agad akong pumayag sa sinabi niya at ayun sabay nga kami pumasok pero habang naglalakad meron kaming pinag-usapan na hinding-hindi ko malilimutan…..


TO BE CONTINUED….

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito