LEANDRO LEE (MY BESTFRIEND)

Tinatamad ako mag english kaya tagalog na muna para masaya ang lahat,.....

NEGATIVE MUNA....

Si leandro v. lee, medyo tahimik na magulo na nananakit noon na  payatot. hindi naman sobrang  payat yung medyo lang naman. Tulad ng madaming kabataan mahilig din ito sa computer games gaya ng sikat na sikat sa Pinas na DOTA. Mahilig sya magpalibre kung meron talagang kaclose at manlilibre. diba? bestfriend? haha

Well gusto ko ikwento how ko siya naging kaclose at bestfriend, hindi naman siguro bawal yun diba? haha wala naman sigurong manghoholdap pagnagshare ako ng bagay na ganito, hehe gusto ikwento kasi natutuwa ako unlike sa ibang friend na hindi ko matandaan how i met them at naging close sa kanila.



Nakilala ko si lee, noong high school, friend naman kami kahit papaano noon pero hindi kami close kasi mas close siya kay CJ (mas lokoloko itoh!)
Yun, tapos mahilig din siya manakit noon, kainis nga eh kaya ako na mismo umiiwas dahil masakit ang nagagawa ng nilalang na itoh.



Hanggang Second Year hindi kami totally close, medyo loner ako, ika-nga.
Hanggang dumating ang third year, mabaha ang buhok ko noon at Late ako pumasok sa unang araw ng School para sa Third Year HUMILITY. Pag-unang araw at late ka medyo center of attraction dahil magtitinginan sayo ang mga nasa paligig mo. Kulang na nga lang eh matunaw ako dahil kinikilala pa nila ako dahil mahaba ang hair ko, (yung haba ng hair ko hindi tulad ng last time ko)



Yun, sya ang katabi ko at nakatabi pa lagi, lagi syang nangungulit at nakikipag-usap. at lagi naman ako nakikinig sa mga brutal niyang kwento. Hanggang sa lumipas ang months, Close na kami at kung ano-ano na talaga ang kwentuhan namin at hindi na sya tulad noon na mahilig manakit, at minsan pinapaiwas ko siya sa mga kawalang-hiyaan ng classmates ko.



Hanggang sa one day,  tinatawag niya ako Bestfriend, at ako naman walang imik kaya lumipas ang days ata or weeks, ako na-mismo ang nag-tawag, at parang ewan na nagtataka at todo ngiti ang loko. kaya yun simula nun bestfriend ko na siya. HAHA! the end! bow!

Mas naging close kami sa 4th year at naging apat kami sa mga kalokohan. Si Matt, lemuel, ako at siya

Sa mga kalokohan siya ang partner in CRIME. haha!

Basta tama na kwento, haha basta secret na lang ang iba at maraming-marami pa, Basta kahit ano mangyari bestfriend ko ang taong yan.. bumait yan kahit papaano pero........




Mas mabait na yan ngayon,
Well, ganito yun.....Sa laht ng sinasabi ko sa kanya about love mostly kinokontra niya lalo na sa bagay na babae daw dapat ang naghahabol-habol at marami pa, tapos one day, (college days) nagbago ang ihipng hangin, ang loko-lokong ito ay finally nakahanap ng katapat, kaya mas naniniwala ako na lahat ng tao may katapat. at yun, inLove na inlove na talaga..haha




Hindi nga talaga ako makapaniwala dahil HINDI KAPANIPANIWALA, pero totoo.. haha shock nga ako noon eh... pero nung nakita ko in person, well malaking katibayan na siguro yun diba? hehe

Well, sige hanggang dito na lang muna ang tungkol kay LEE,

Thanks for Reading (tumigil ka na magdota lee!! haha)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito