RANT OVER PARENTS. ^^

Simula ng nabuhay ako sa mundo, magulang ko na ang kasama ko at maging nagpalaki sa akin. Sila ang unang guro at nagpakita ng mga bagay na alam ko ngayon.

Alam ko na may utang na loob ako sa kanila tungkol sa pagpapalaki at pagpapa-aral at mgaing sa pagpapakain ko, kasama na dito ang kalusugan ko.

Pero tao ang ako, may mga bagay akong gusto at meron din naman akong mga ayaw sa tao. Kasama na sa mga iyon ay ang mga magulang ko. Tao ako na may pagkakamali at mga sariling desisyon.

Maaring may pagka Spoiled ang isipan at gusto ko, ngunit ang bawat desisyon ko ay aking pinag-iisipan hindi lang basta basta. Isinaalang-alang ko dito ang dapat at hindi dapat.

Bakit ganun ang mga tao ngayon? sabihin lang ng ibang tao na maganda o hindi ay agad namang maniniwala? parang madaling makinig sa bawat SULSUL ng mga homo sapiens sa paligid.

Nakakainis dahil yung mga gusto nila, ipinapasa nila sa anak nila. Bakit pa nila tinatanong nung mga bata pa kung ano ang gusto nila pagLaki kung sila lang din naman ang masusunod? at hindi pakikinggan gusto ng anak at papanuorin kung ano ang magagawa at mapakita para sa pangarap na hinangad nila ng sarili at walang halong kung ano-anong bagay?..

Sa pag-iisip sa pag-aaral, iniisip ko din naman kung ano ang makabubuti pero isinaalang alang ko ang problems ko interms about the money at iba pa.

Kung mag-aaral ka ba sa mamahaling University, tapos alam mo sa sarili mo na yung nagbabayad eh dalagang nahihirapan? nakakaguilty din naman. Hindi ako ganung katalinong tao pero ma isip ako. Magagawa ko kung gugustohin ko. Oo nga yun ang gusto nila, tapos ako pagbubutihan ko pag-aaral ko. Pero kung alam mo din na ang magulang mo may mga dapat pang bayaran at utang? parang ang pangit tingnan na madaming dapat bayaran sa likod ng pag-aaral sa school na ginagastosan ng malaki.


Hay.. F*CK SH*T! hirap mag-isip, hirap mag-desisyon, napakahirap...

Pwede ba mawala muna ako sa mundo ng ilang araw?

Sana mayamang tao na lang ako..

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito