ROAD TO FINALS

Well February 11, 2010 Road to Finals begin! PEACE UP!!!

Photobucket

Katatapos lang ng pangalawa sa huling exam para sa taong 2009-2010. Laht ay naging abala sa pagrereview para sa mga naturang test. Tulad ko, marami ang pumasok ng maaga para lang makapagreview at mapag'aralan pa ang mga bagay na hindi pa maunawaan.

Naging malaking tanong sa isipan ng mga kaklase ko ang unang subject na itetake dahil ayaw ito sabihin ni sir mark, isinulat lang niya ito sa pisara. Araling panlipunan: economics ang unang subject at sa totoo lang wala pa akong review sa subject na nabanggit. dali-dali ako nagreview at nagpaturo sa kalapit kong kamag-aral....

Natapos ang exam bago ang mag' 2pm. nag-ayos na ang iba para umuwi at ang mga guro naman nag-ayos agad para sa Valentines fair na gaganapin sa susunod na araw. Valentines Fair ay 12-at-13, magiging masaya kaya ang araw na ito? pero sana oo dahil sabik diin naman ang tulad ko sa kung ano ang pwedeng mangyari.

Pagkatapos ng Valentines Fair, nakaabang naman sa Juniors at Seniors ang JS prom. Nakakakaba ang araw na ito dahil first time lang namin ng may kasama sa prom kasi last year kami-kami lang din ang nag'PROM. Pero sa tingin ko naman magiging maayos at masaya ito dahil sa labas ng school gaganapin ang event...ang problema ko lamang dito ay ang napakamahal na babayaran.

At pagkatapos naman ng prom, clearance at projects ang sasalubong sa amin at kasunod nito ang FINAL PERIODICAL EXAM. Pahirapan ito dahil talagang sunod-sunod ang mga nangyayari pero sa huli ang malungkot at masayang part.
Alam nyo kung bakit? kasi magtatapos na kami ng high school. gagradruate na kami. Nakakalungkot mang isipin pero ito talaga ang dapat mangyari. Masaya ito dahil COLLEGE journey naman ang dapat naming umpisahan at tapusin. Dito papasok ang tunay na buhay....

Ang tanging masasabi ko, hindi ko magagawang kalimutan ang napakasayang alaala kasama ang mga classmate at guro na nakasalamuha ko...

ITO ANG ROAD TO FINALS!
Photobucket

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito