9 Years at MQSM

well well well... Halos 1 decade na rin ang nagdaan simula ng ako ay pumasok sa school na naging parte talaga ng aking buhay. Ginugol ko ang siyam na taon ko sa pag-aaral ng elementary at high school sa bagong school na ito. Naging makulay at hindi malilimutan ang bawat taon ko sa school na ito dahil sa bawat taon maraming kapanapanabik ng nangyayari...


Sa loob ng siyam na taon meron din akong classmate ko na din ng 9 years, sa totoo lang nakakasawa na ang kanilang pagmumuka kasi simula bata pa lang sila nasa paningin ko na sila hanggang maging high school...HAHA.



MQSM will be very memorable sa akin hindi lang dahil sa napakamahal ng tinda sa canteen syempre dahil din sa mga taong nakilala at naging kaibigan ko. Marami akong naging kaibigan na dumating at umalis. Ngunit hindi ko sila makakalimutan tulad ng pag-alala ko sa school ko.



Nagpapasalamat ako dahil marami naman ako natutunan hindi lang sa edukasyon na dapat pag-aralan maging sa pakikisama, pagkakaibigan at marami pa.



Sa darating na March akin nang lilisanin ang eskwelahan na malaki ang naging tatak sa akin, sa siguradong dadalin ko sa kolehiyo at maging sa pagtanda ko.


Maraming masasaya, kaabang-abang, nakakalungkot, hindi malilimutan, nakakagulat ang aking natunghayan at nasaksihan sa siyam na taon simula ng ako ay NaEnroll sa MQSM..

I LOVE MQSM but i also HATE MQSM..

Muli, Salamat.

Photobucket

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito