Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2013

First time Voter

Imahe
First time voter ako at bumoto ako sa malolos city, excited ako nagsuot pa ko nung pambansang.com tshirt na pang eleksyon. almost 1 na kami bumoto, wala namang aberya Sandaling pila then boto na agad. Yung mga binoto ko sa councilor hindi ko kilala. Dun sa mga senador eh yung mga ayaw ko di ko talaga binoto. Then yun ang haba pala nung papel hehe parang sayang yung papel dahil dun. All in all ang dali lang bumoto hehe sa 2016 ulit and second na pagboto ko.

Mothers Day 2013

Imahe

OJT First day and so on

Imahe
First day of OJT. We don't know ang gagawin talagang walang alam basta sasama kami dun sa OSP na si Sir August then yun first time ko makarating ng san ildefonso. Yung mga nadaanan first time ko madaanan yun then wala masyado ginawa survey at observe lang. Masaya naman kaso binaba agad kami at maaga ang uwian. May mga araw na walang ginagawa upo lang palamig sa aircon talagang wala. Nakakainip at ayoko nun. Dumating yung araw na gusto ko na magquit at sasama ko sa other classmates ko sa manila kung sakali kaso hindi natuloy dahil di sila nakaenroll  Nag-absent ako that day akala ko magquiquit na ko until nag meeting sa pldt then the other day madami na ginagawa, as in kaya parang nasagot prayers ko thanks God. Then yun till that day araw araw na ko sumasama at mas dumadami nakikilala at nakakaclose ko Ang trabaho namin FTTH. Fiber to the Home. Napag-aralan namin to minsan at naseminar din Ngayon binubuno ko pa ang maraming oras na natitira...

OJT apply part 2

Imahe
After ng mga apply sa ibang company, pumunta kami sa PLDT malolos at sinubuka ang aming swerte halos 5 times ata kami bumalik dito. Pinapabalik kami ng ganitong araw then ganito daw hanggang sa nakasama na kami sa orientation na matagal at may pangalawa pa pala kaya di na kami nakaenroll so ayun nakapasok na kami sa pldt at pinag uumpisa na kami after 2 days. Basta ayusin yung waiver buhok at kung ano ano pa.

Carron Dream Park

Imahe
Mula sa lalawigan ng Nueva Ecija. Ang Carron Dream Park. Ang bagong atraksyon mula sa north side ng luzon. Galing kami kelan lang doon.  Mula bulacan medyo malayo pero ayos lang naman hindi naman sobrang layo 1 hour and 30 minutes basta walang traffic nandun ka na. Yung place halatang bagong bukas lang dahil hindi pa totally develop. Maganda yung lugar for sure puntahin to sa field trip this year sa mga kalapit bayan nito. Magbubukas din sila ng phase 2 so madadagdagan yung rides. Need lang nila madevelop like yung sound system sa rides yung mga design sa paligid para mapantayan yung mga nasa south side ng luzon. Pero maganda yung lugar, i like it.  Kung galing ka ng manila mag nlex ka then sa san simmon exit then sundan mo lang yung highway sa kanan after exit then yun makakarating ka dun.