Kahit anong bagay, kahit saan puro made in china na ang mga gamit. Biggest exporter nga daw sabi nila, mura pa. Affordable ng nakakarami pero one thing is for sure madali din itong masira, pero hindi ko din sinasabi na lahat ng gamit from china eh madaling masira. Kung tatakbo ka for president sa isang bansa diba mas mainam na galing sa sarili mong bansa yung gagamitin mo if you really believe sa kakayanan ng country mo? Kung bibili ka ng damit or mag papagawa diba dapat sinisiguro mo na sa bansa mo galing rather than magreklamo ka na bakit galing sa china yung product mo? May napanuod ako before na isang babae ang susubukan wag gumamit ng products na made in china for 1 year, after a weeks, months a guess nag-give up na sya dahil impossible daw na maiwasan mo yung mga gamit from china. Kahit ako ayoko kaso wala naman akong choice kasi yun ang afford ko at yun na ang karamihan ng gamit dito sa bahay.